P3 bawas-presyo sa gas
- Gina Pleñago
- Mar 21, 2020
- 1 min read

Nagpatupad ng bawas-presyo ng produktong petrolyo ang kumpanya ng langis.
Sa anunsiyo ng Phoenix Petroleum, nasa P2.00 kada litro ang bawas ng kanilang diesel habang P3.00 naman kada litro sa gasolina na epektibo alas-6:00 ng umaga.
Asahan na magsusunuran ang iba pang kumpanya ng langis na magbaba rin ng kahalintulad na halaga.
Samantala, may parehong halaga ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang kumpanyang CleanFuel na epektibo naman sa Linggo, Marso 22, ng alas-4:01 ng hapon.





Comments