top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nakasakay sa bus, sign na dapat mamasyal para bumalik ang sigla

  • Socrates Magnus
  • Mar 21, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Aukin Paculba na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Madalas akong managinip na nakasakay ako sa bus. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Aukin Paculba

Sa iyo Aukin Paculba,

Kapag bored na ang tao sa pang-araw-araw na galaw ng kanyang buhay, ang kanyang panaginip ay magpapayo na dapat lumayo muna siya o pumunta sa medyo malayong lugar kung saan kapag ginawa niya ito, magbabago ang kanyang kapaligiran at mananariwa ang kanyang lakas at sigla. Gayundin, makadarama siya ng saya at ang kanyang isipan ay magkakaroon din ng positibong pananaw.

Samantala, ang mga taong hindi nagbabago ang paligid ay unti-unting humihina ang katawan at ang kanyang isipan ay makikitang kundi hindi negatibo at naghahanap ng away, madalas na umiinit ang kanyang ulo.

Siya rin ay nagiging maramdamin kung saan pagkakamali lang ng kapwa ay nakikita niya, gayundin, siya ay nagiging emosyonal at madalas ay nawawala na siya sa tamang lugar.

Dahil dito, ang payo ng iyong panaginip ay mamasyal ka, pero ikonsidera mo rin ang payo ng mga awtoridad na “social distancing” kung saan isang metro ang pagitan ng bawat tao. Higit sa lahat, huwag kang humawak sa anumang bagay na hindi naman kailangang hawakan. Disiplinahin mo ang iyong sarili na magtitiis na ‘wag humawak sa anumang bagay sa lugar na iyong pupuntahan.

Mahirap itong gawin kaya ang susunod na payo ay huwag mong kalimutag magdala ng alcohol na panlinis sa iyong mga kamay at braso mo, gayundin, gumamit ka ng facemask at huwag mong kalimutan na kumain o magbaon ng mga prutas.

Muli, mahirap itong gawin ngayon kaya labanan mo ang iyong kawalan ng sigla at pagkabagot sa pamamagitan ng ibang paraan tulad ng pakikinig ng masasayang musika at panonood ng mga pelikula, partikular ang mga movies na action, comedy at horror.

Hindi inirerekomenda ang panonood ng drama dahil ang taong bored na bored ay makikitang masyadong madrama ang buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page