Mocha, natameme sa resbak ng mga taga-Pasig dahil sa banat kay Mayor Vico
- Beth Gelena
- Mar 21, 2020
- 3 min read

Beth Gelena / Bulgary Files
Dahil sa pamba-bash ni Mocha Uson kay Pasig Mayor Vico Sotto, maraming netizens ang nagalit sa kanya.
Sabi ng isang netizen, “‘Wag na ‘wag mong gagalawin si Pasig mayor. Ayan tuloy ang napala mo. Get lost. Stay deactivated forever.”
Nagkaisa kasi ang mga netizens na i-report ang Facebook account ni Mocha. Dapat nga raw ay i-quarantine forever sa social media ang deputy ambassador ng OWWA at ‘wag nang pabalikin dahil hirit ng mga netizens ay ‘di raw siya kawalan.
Ang dami talagang nagmamahal kay Mayor Vico. Sila lang pala ang magpapataob sa katabilan ng avid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte. Imagine, buong Pasig City ay kalaban ni Mocha.
Sabi pa ng mga netizens, “‘Di ka namin tatantanan!!!! #Vivicos”
May netizen naman na nagbigay ng payo sa mga sumusuporta kay Mayor Vico. Baka raw kasi sabayan ng mga Bandwagoner Trolls ang mga ViVico defenders dahil mapapataob na nila ang blog ni Mocha.
“‘Wag kayong magpagamit, mga ViVicos! Baka maputukan niyan si Vico. Two birds in one stone ‘yan. Bandwagoner Trolls – ‘yung mga anti-Duterte simula pa at mga haters ni Vico na supporters ng mga past Pasig admin para mapasama at tirahin ng blog pati si Vico dahil sa mga defenders. Ingat! Maging matalino at ‘wag magpagamit! Tama at tahimik na suporta lang sa Vico n’yo...”
Tama naman ang komento ng netizen na ito. Nu’ng naluklok kasi si Vico Sotto bilang bagong Pasig mayor, ang daming pumalag mula sa dating administrasyon. Si Vico lang kasi ang nakapagpataob sa dating administrasyon na matagal nang nakaupo bilang mayor.
Samantala, tuluyan nang nasuspinde ang blog ni Mocha na ikinatuwa ng maraming netizens at celebrities. Katunayan, trending topic ngayon sa social media ang #MochaUsonIsOverParty.
♥♥♥
Giyera tuloy dahil kay Mayor Vico…
Ethel kay Mocha: mas mahina kang umintindi

Muli na namang ‘tinira’ ni Ethel Booba si Mocha Uson sa tweets ng huli para sa butihing mayor ng Pasig na si Vico Sotto.
Ani Ethel, “Okay na ang pabebe kesa sa pabobo.”
Para sa stand-up comedienne, pambu-bully ang ginawa ng OWWA deputy administrator na si Mocha kay Mayor Vico.
Nakiusap kasi si Mayor Vico na ipagpatuloy ng mga tricycle drivers ang kanilang pamamasada sa Pasig City kahit nag-anunsiyo na ang gobyerno ng imposed ban sa kahit anumang pampublikong transportasyon due to COVID-19.
Sumagot naman ang Palasyo sa request ng Pasig mayor. Ayon sa Palasyo, hindi pupuwede ang gustong mangyari ni Mayor Vico dahil ang tricycle ay magiging “lack the space” for social distancing amid the Coronavirus Disease (COVID-19) threat.
Post ni Mocha sa kanyang social media page: “‘Ito ‘yung sinasabi ko, eh. Kaya ng ibang lugar, bakit itong si Mayor Sotto, pabebe?” pero ang blogger na Banat By ang may gawa which is kay Mocha rin na account.
Buwelta ni Ethel: “Okay na sa pabebe kesa sa pabobo. Social media distancing talaga kailangan nila. Charot!”
Pinatamaan din ni Ethel ang mga detractors ni Mayor Vico.
Aniya, “Mga virus lang ang galit sa magandang ginagawa ni Mayor Vico Sotto para sa kaligtasan ng nasasakupan nito sa Pasig City. Charot!”
Muli ay nag-tweet si Mocha at kinlaro na ang nasabing post sa kanyang account ay posted ng admin.
Aniya, “FYI, Mocha Uson Blog FB page is now composed of different bloggers and admins. We practice free speech though we differ in opinions on different matters. So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin. I hope this clears everything.”
Sinabihan pa ni Mocha si Ethel na ang kanyang reading comprehension is ‘low’ kaya hindi nagpatalo ang komedyanang singer-actress.
Sey ni Ethel, “Mas mahina ang reading comprehension mo dahil ang sabi ko, ‘nila’. Meaning, dalawa kayo. In-allow n’ya na gamitin mo ang Facebook page n’ya.”
“Bagong feyknyus ‘yan, ibinenta ko pala ang Twitter account ko? Palpak ang banat. Charot! -- Ethel Booba (@IamEthylGabison).”
Kaya raw siguro binu-bully ni Mocha si Mayor Vico dahil threat sa administrasyon ang anak nina Coney Reyes at Vic Sotto.
Bumaha kasi sa social media ng papuri ng mga netizens kay Pasig Mayor Vico dahil sa pamamaraan na ginawa niyang pagtulong sa kanyang mga constituents para makaligtas sa pandemic na COVID-19.
Ang nakatutuwa pa, dahil papalapit na rin ang eleksiyon ay pinagtatambal na ng mga netizens bilang presidente at bise-presidente sina Yorme Isko Moreno at Mayor Vico.
Pareho raw ang kapasidad ng dalawang public servants, inuuna ang kanilang mga nasasakupan bago ang sarili.





Comments