96 katao, arestado sa 'home quarantine'
- BRT
- Mar 21, 2020
- 1 min read

Umabot sa 96 katao ang inaresto ng mga pulis dahil sa paglabag sa home quarantine sa Navotas City.
Tatlumpu katao ang inaresto kahapon habang 66 naman ngayong araw.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mga mahuhuling lumabag sa home quarantine ay diretsong dadalhin sa presinto at ikukulong saka sasampahan ng kaukulang kaso.
“Ang mga frontliners po natin na mga heatlh workers, social workers, police, sundalo, lahat ng mga opisinang kasama sa emergency response ay nagbubuwis ng buhay para mapagsabihan tayo at masigurong hindi tayo magkasakit ng COVD-19.
Napapagod na po sila at gusto nilang umuwi ng bahay para magpahinga at makasama ang pamilya. Tayong mga mamamayan na pinapanatili sa bahay para manatiling ligtas sa panganib.
Sa mga ayaw sumunod, doon na lang kayo sa kulungan, para hindi mapahamak ang inyong pamilya at ang mga Navoteño”, ani Mayor Tiangco.
Samantala, nagsimula nang mamigay kahapon ang Navotas ng mga relief packs para sa mga nakatira sa tabing-dagat o ilog pati na ang mga nalipat sa pabahay ng pamahalaang lungsod. (Maeng Santos)





Comments