Sharon, umaming laging etsapuwera kay KC kaya nag-away
- Vinia Vivar
- Mar 20, 2020
- 4 min read

Inamin ni Sharon Cuneta na may hidwaan sila ng anak na si KC Concepcion during the launching of Avec Moi na jewelry business ng dalaga.
Matatandaang binuksan ni KC ang Avec Moi noong Marso, 2018 and kaya pala wala si Sharon ay dahil may tampuhan sila.
Sharon admitted this in her recent reply sa isang netizen sa Instagram post niya promoting KC’s YouTube channel. Dito nga nalaman ng lahat na bati na pala silang mag-ina.
“It's a great joy for me to see this post.. to see you for the first time posting or a sort of requesting everyone to support KC... Ngayon ko pa lang kasi nakita sa IG mo.. Always kasi sa IG ang mga anak mo... Really... I'm sorry pero ngayon ko lang na-observe... ‘Yung launching ng Avec Moi no kasi ‘yung pag-study n’ya ng gemology sa lahat ng endeavors ni KC, hindi ko kasi kayo narinig..” ang komento ng netizen.
Sagot ni Sharon, bukod sa may tampuhan sila that time ay hindi rin daw sinabi sa kanya ng anak na nag-aral ito ng gemology.
“Sa totoo lang, may hidwaan kami nu’ng launch ng Avec Moi. Ayaw din n’ya ipasabi nu’ng una na nag-aaral siya sa States ng gemology.
“Mula nu’ng maliit s’ya, kahit wala akong tulog at halos sumuka na ng dugo sa pagod, never akong naka-miss ng kahit anong school activity n’ya.
“She is very independent kasi but the downside of that is that minsan, ‘di ko na alam ang nangyayari sa anak ko dahil ‘di s’ya nagkukuwento. Late ako laging makaalam. Now it will be better. Anak ko si KC. Walang puwedeng mas may magmahal sa kanya nang higit sa akin,” pahayag ni Sharon.
Nagbigay din ng mensahe si Megastar sa panganay na anak.
“No matter what you do, I have taught you right from wrong and I will always trust in God Almighty in the way I have raised you. You are a beautiful person. And you shall always be my baby. I will always love you with all my heart, even if sometimes we cause each other pain. That’s normal as no one is perfect. But the world may turn upside down and the one hand that won’t be letting go of yours even if she falls to her death is your Mama’s,” was Sharon’s touching message to KC.
◘◘◘
Pahinga muna ngayon sa taping ng well-loved GMA series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ang Kapuso heartthrob na si Migo Adecer.
Ayon kay Migo, dahil time-out muna sila sa trabaho, susulitin niya ang panahong ito para makabawi ng pahinga at magpalakas ng katawan.
“It actually gave me more day-offs allowing me to recuperate from the heavy taping days we have! Plus, I can get back to working out,” sey ng aktor.
Nagpaalala rin si Migo kung paano mapoprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.
“Always sanitize, always keep a safe distance from your co-workers (if you can), pray!”
Samantala, ikinagulat ni Migo na marami ang natutuwa sa tambalan nila ni Barbie Forteza sa serye. Masaya siya dahil sulit ang kanilang pagtatrabaho at marami ang kinikilig sa kanilang tandem.
“I was very surprised! I personally didn’t see Barbie and I clicking but the producers, directors and GMA did, so I put my faith in them! As always, they were right,” he said.
Habang pahinga ang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, ang 2017 hit series na Kambal Karibal muna ang mapapanood sa primetime slot ng serye.
◘◘◘
Nakiisa rin ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa mga celebrities na nananawagan sa lahat na sumunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa gitna ng banta ng COVID-19.
Nakiusap ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday lead star sa mga kabataang tulad niya na kung maaari ay manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay.
"Kung feeling ninyo, mga bagets kayo at hindi rin naman kayo mahahawa dahil malakas ang resistensiya n'yo at mabilis naman kayong gagaling, ang sa 'kin, pa'no 'yung mga magulang n'yo na nasa bahay na mas matanda na, kumpara sa inyo, mas mahina ang immune system?" pahayag ni Barbie sa video na ipinost niya sa Instagram.
"Puwede kang maging carrier ng virus without showing any symptoms. Ang isa sa mga senador natin, tested positive for COVID-19 without showing any symptoms. So 'wag n'yo na pong hintayin na magpakita pa ng symptoms bago kayo mag-stay sa bahay. As soon as possible, keep yourselves safe, keep yourselves healthy," dagdag pa niya.
Ayon pa sa young actress, kayang-kaya raw nating labanan ang COVID-19 basta sumunod lamang sa mga hindi dapat at dapat gawin. Idinarasal din niya ang speedy recovery ng mga tinamaan ng virus.
Samantala, ang huling taping ni Barbie for Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ay noong nakaraang Biyernes. Pagkatapos nito ay hindi na raw siya lumabas pa ng bahay.
“Tambay na lang ako sa Netflix at kusina and I’m not complaining, hahahaha! I hope this video would help remind everyone how important self-quarantine is,” Barbie wrote.





Comments