Mayor Vico ‘di nagpapakitang gilas, ginagawa lang ang tungkulin
- Beth Gelena
- Mar 20, 2020
- 4 min read

Beth Gelena / Bulgary Files
Nakapanayam ni Jessica Soho si Pasig Mayor Vico Sotto nu’ng Huwebes sa 24 Oras.
Marami ang humahanga sa Pasig Mayor dahil nangunguna siya sa pagkilos para mapangalagaan ang kanyang nasasakupan.
Bumabaha ang positibong komento hinggil sa butihing mayor at ang shout-out pa ng ibang netizens na hindi taga-Pasig, sana raw ay tularan ng kanilang mayor ang ginagawa ni Vico.
May iba naman na sinasabihan ang Pasig mayor na huwag umano magpakitang-gilas nang husto sa kanyang pagiging public servant.
Likas na may good heart ang anak nina Connie Reyes at Vic Sotto kaya ibig sana niyang maging exempted sa transportation ban ang mga tricycle na kinontra ng Palasyo at hindi naman ito minasama ng Pasig City mayor.
Kung tutuusin ay may punto si Mayor Vico dahil nakakaawa ang mga taong pumupunta sa malalayong lugar o sa ospital na naglalakad lang. Proposal sana ‘yun ni Mayor Vico hindi lang sa kanyang constituents, kundi sa buong NCR, pero hindi nga inaprubahan ng gobyerno.
Ayaw din ni Mayor Vico na ipinagkukumpara ang mga local government officials. May kani-kanya naman daw kasi silang programa sa kani-kanilang lugar. Feeling daw niya ay pinagsasabong lang sila ng mga netizens.
“Kung constructive, okey lang naman, kasi alam n’yo, dito kami sa Pasig, kapag may nakikita po kaming magagandang practice sa ibang LGU, ginagaya po rin naming,” sambit ni Mayor Vico.
Esplika ng Pasig mayor, kaya siya nagsalita sa publiko ay para marinig ng gobyerno ang kanilang pananaw.
"Pero at the end of the day, when you got one policy sa NCR, sa buong Luzon, magko-comply po kami kung ano’ng sabihin sa atin ng national na pamahalaan,” huling saad ng butihing mayor.
BELA NAKALIKOM AGAD NG P3,3M PARA SA MGA STREET VENDORS

NAKALIKOM na si Bela Padilla nang mangampanya siya kamakailan lang na mag-raise ng pondo para sa mga street vendors dahil sila ang mas mawawalan ng kikitain ngayong naka-community quarantine ang lahat.
Ang target lang ng aktres ay P1 M pero umabot sa P3.3 M ang nakalap na raise fund sa loob lang ng dalawang araw.
Ibinili ng kampo ni Bela ng mga necessary goods at bigas ang nalikom na
pera at agad na ipinamigay sa mga nangangailangan.
Sakay ng military truck, umikot sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila ang aktres at idinistribute ang mga naka-pack na goods.
Kita sa mukha ang kasiyahan ng mga street vendors nang maabutan ng konting biyaya mula sa Kapamilya actress.
JHONG ANG LAKI NG AGE GAP SA NON-SHOWBIZ GF

IILAN lang ang nakakaalam na may longtime girlfriend na si Jhong Hilario.
Pawang malalapit niyang kaibigan lang ang nakakakilala sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maia Leviste Azores.
Bago si Maia, ikinasal na pala si Jhong sa isang British national named Michelle Wetgate, pero hindi nag-work out ang kanilang married life at nagkahiwalay.
Lately ay naging vocal na si Jhong sa relasyon niya kay Maia na cabin crew sa isang local airline company. Walong taon mahigit na ang kanilang relasyon.
Hindi isyu sa girl kung ang gap ng edad nila ni Jhong ay 15 years.
Sa Instagram account ng actor-dancer at It’s Showtime host naka-post kung saan sila nagselebreyt ng kanilang anibersaryo kamakailan.
Mismong ang girlfriend ni Jhong ang nag-post ng mga larawan sa social media account ng boyfriend na nilagyan niya ng caption na: “First time I was here was with my FIRST LOVE, My Dad. He had brought me and my brother, Nitoy when I was 9.
“The three of us had so much funny memories in Paris I will never forget.
“Second time I was here was my FIRST TIME to travel alone in Europe. That was such a fun experience. I got to go around Europe for 2 weeks with girls my age. It was the ultimate teenage getaway at 16!!!
“And now, My Third time, I am with my FIRST EVER BF and it’s his FIRST TIME here. It’s def gonna be another one for the books! Can’t wait to make new memories with him! Celebrating our 7th year together.”
O, di ba, how lucky Jhong is for having a girlfriend na more than 15 years ang tanda niya. Totoo talaga ang kasabihang age doesn’t matter as long as you love each other.
PAMILYA NI SARAH MABUBUHAY PA RIN NG MARANGYA KAHIT WALA NG SUPORTA

KAHIT pala hindi na suportahan ni Sarah Geronimo ang kanyang pamilya ay mabubuhay ang mga ito nang mariwasa pa rin.
Napakalawak ng pag-aari ng singer-actress na Solar Powered Farm niya sa Tanay Rizal.
Kamakailan lang ay na-publish sa Esquire magazine ang malaking kinita ni Sarah hinggil sa kanyang pagiging artista, endorser, singer at maging ng sarili niyang business.
Ang estimated net worth umano ng singer-actress ay umaabot sa $10 M hanggang $75 M.
Kung susumahin sa Philippine peso, ito ay nasa P509.52 million hanggang P3.82 billion.
Ito raw ang dahilan kung kaya ibig sana ng ina ni Sarah na si Mommy Divine na magkaroon ng prenup agreement ang anak at si Matteo Guidicelli dahil ang lahat daw ng assets ng Pop Royalty ay nakapangalan dito.
Base sa Artistacentral, isa sa properties ng Geronimo family ay ang solar farm na nasa Tanay, Rizal. Kaya pala ang mga fresh na gulay at prutas na ibinibenta ni Mommy Divine ay sa mismong taniman nila kinukuha.
Hindi lang mga magagandang halaman, gulay at prutas ang makikita sa farm nila Sarah. Makikita rin sa larawan ang mga pato, itik at bibe na naglipana sa napakalawak na bukirin.





Comments