top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maglolo, patay sa kotse

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 20, 2020
  • 1 min read

Cagayan De Oro City — Patay ang maglolong tumatawid sa kalsada nang aksidente silang mabangga ng kotse kamakalawa sa Bgy. Bayanga.

Ang maglolong biktima ay nakilalang sina Venancio Carampatanta, 51-anyos at Khesias, 3-taong gulang, kapwa residente sa naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon, tumatawid umano sa kalsada ang maglolo nang mabangga sila ng kotseng minamaneho ni Jerwin Villamor, kapwa nakatira sa Bgy. Luguran, Valencia City, Bukidnon.

Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero kapwa sila hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Nakapiit na si Villamor na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page