top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Marso 20, 2020 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 20, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 20, 2020 (Biyernes): Kabutihang-loob ang hinahangaan sa iyo ng langit kaya ang mga pagpapala ay palaging sumasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapaapekto sa mga malulungkot na balita. Ang kailangan mo pa rin ay maging positibo dahil kapag naging negatibo ka, ang mga nasa paligid mo ay magiging negatibo rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong buo pa rin ang loob mo kahit ang mga kaganapan ay nakapagpapahina ang loob. Mas lumalala ang sitwasyon kapag may mga taong nasisira ang kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-25-28-35-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mo ang sobrang pagbili ng hindi mo talaga kailangan. Ito na rin ang magiging tulong mo sa iyong kapwa nang sa gayun ay hindi sila maubusan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-6-26-37-44-45.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kailangan ng lumapit sa iyo, ibigay mo. Huwag mong uulitin ang nakasanayan mong sobra sa hiniling sa iyo ang ibinibigay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Mauswerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-20-21-24-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maghanap ka ng hindi mo makita ngayon. May mahahanap ka at ito ang iyong magiging reserba para sa mga araw na darating. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-29-30-33-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdududa sa kakayahan mo. Maraming pagsubok na ang iyong nalagpasan sa nakaraan kaya ngayon at sa darating pang panahon, ito ay iyo ring mapagtatagumpayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-28-30-31-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw maniwala sa iyo, sa halip, hayaan mong magsisisi sila sa huli. Ito na rin ang aral sa buhay na makukuha nila dahil wala silang bilib sa sinasabi mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-19-22-26-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maglalabas ng bahay. Kahit malungkot sa iyong tahanan, magtiis ka muna dahil malungkot kung magkasakit ka dahil sa paglabas ng bahay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-24-27.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka. Mas maganda ang maging matulungin kaysa sa tinutulungan. Kung ano ang kaya mo, ‘yun ang itulong sa mga tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-24-28-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabuhay ka ayon sa kaya mo. Ito ang tunay na sikreto ng pagkakaroon ng magandang kapalaran sa hinaharap at ang kabaligtaran nito ay susi ng paghihirap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-12-26-30-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palakasin mo ang iyong sarili. Huwag mong abusihin ang sarili mo sa mga aktibidad na walang kuwentang pag-aaksaya lang ng iyong mahahalagang oras. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-25-30-31-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang totoo. Ang bunga ng isip ay bunga lang ng iyong imahinasyon. Muli, kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang reyalidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-21-24-32.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page