Sharon at KC, napagbati ng COVID-19
- Erlinda Rapadas
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Marami ang nagsasabing kaya raw lumambot ang puso ni Megastar Sharon Cuneta at nagawang makipag-ayos at makipagbati sa anak niyang si KC Concepcion ay dahil na rin sa pandemic na COVID-19.
Isa itong realization na kahit sino at anumang oras ay maaaring mawala ang ating mga mahal sa buhay kaya dapat na alisin ang galit at tampo na ating dinadala.
Walang pinipili ang COVID-19. Kahit mga sikat na Hollywood stars, PBA players at local stars ay maaaring dapuan ng sakit na dala ng virus. Kaya dapat na pahalagahan at mahalin ang ating pamilya, kaibigan atbp. bahagi ng ating buhay!





Comments