Pa-hotel sa mga health workers
- Mylene Alfonso
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Libreng ipagagamit sa mga health workers ang Bayview Park Hotel sa Maynila bilang tulong sa mga frontliner sa harap ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Manila Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso, nagpadala ng komunikasyon sa kanya ang pamunuan ng hotel upang maipagamit sa mga health workers ang 15 kuwarto nang libre.
Ito umano ay upang hindi na mahirapan na umuwi at mamasahe ang mga health workers sa panahon ng enhanced community quarantine.
Samantala, nagpaabot din ng mensahe ang pamunuan ng Starbucks sa alkalde na magdadala sila ng may 6,500 sandwich at pastries para sa mga health workers sa Maynila.





Comments