Mga cargo, lusot agad sa checkpoint — PNP
- BRT
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Tiniyak ni PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa na prayoridad ang pagpapadaan sa mga checkpoints ng mga cargo na nagde-deliver ng mga basic commodities.
Hindi na umano dapat magtagal ang mga cargo sa mga checkpoints.
Binigyang-linaw ng PNP chief na ang mahalaga lamang ay agad na isalang sa safety protocol ang mga drivers, lalo na ang pagkuha sa kanilang body temperature.
Layon nito na mapabilis ang delivery ng mga cargo na siyang pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng mga gulay, karne, bigas, medical supplies at iba pa.





Comments