Mga aso na 'di naturukan ng anti-rabies at pagala-gala sa kalye, dapat dalhin sa dog pound
- Persida Acosta
- Mar 19, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Madalas na nagsusunog ng basura at mga dahon sa kanilang bakuran ang kapitbahay namin. Nais kong malaman kung may batas ba siyang nilalabag sa kanyang ginagawa? - Nato
Dear Nato,
Ang batas na sumasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 48 (3) ng Republic Act 9003 o mas kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2008” kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Section 48. Prohibited Acts - The following acts are prohibited:
(3) The open burning of solid waste;”
Dagdag pa rito, nakalagay sa nabanggit na batas ang mga parusa sa sino mang tao ang magsusunog ng mga solid waste. Ito ay nakalahad sa Section 49 (b) ng nasabing batas:
“(b) Any person who violates Sec. 48, pars. (2) and (3), shall, upon conviction be punished with a fine of not less than three hundred pesos (P300) but not more than one thousand pesos (P1, 000) or imprisonment of not less than one (1) day but not more than fifteen (15) days, or both;”
Bilang panghuli, maaari rin managot sa Republic Act (R.A.) No. 8749 o mas kilala bilang “Philippine Clean Air Act of 1999” ang sinuman na magdudulot ng air pollution sa ating himpapawid alinsunod sa Section 5 (b):
“b) ‘Air pollution’ means any alteration of the physical, chemical and biological properties of the atmospheric air, or any discharge thereto of any liquid, gaseous or solid substances that will or is likely to create or to render the air resources of the country harmful, detrimental, or injurious to public health, safety or welfare or which will adversely affect their utilization for domestic, commercial, industrial, agricultural, recreational, or other legitimate purposes;”
Malinaw sa mga nabanggit na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng anumang klaseng solid waste tulad ng basura at mga dahon at sinuman ang mapatunayang gumawa nito ay maaaring maparusahan. Sa inyong sitwasyon, ang ginagawa ng inyong kapitbahay na pagsusunog ng kanilang basura at dahon ay maliwanag na paglabag sa batas at maaari siyang makulong o pagmultahin, depende sa diskresyon ng hukuman.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments