top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ibinulgar ni Lolit: Lorna at Tirso, ipinaku-quarantine rin ni Boyet dahil sa COVID

  • Vinia Vivar
  • Mar 19, 2020
  • 2 min read

Bagama’t ikinalungkot ng manager ni Christopher de Leon na si Lolit Solis ang pagkakaroon ng CoVid-19 ng aktor, proud naman siya sa alaga for coming out sa publiko.

“So sad, Salve. But so proud of Christopher de Leon. Admitting publicly na positive siya sa Coronavirus is indeed a tough act. Sa pagnanais niyang ipaalam at maging maingat ang lahat na nagkaroon siya ng contact, ninais niya na maging public ang case niya of Coronavirus,” bungad ni 'Nay Lolit sa kanyang Instagram account.

Matatandaang last Tuesday ay nagbigay ng official statement si Boyet sa kanyang Facebook account that he was tested positive for CoVid-19. At ayon pa kay 'Nay Lolit, a day before that ay magkausap pa sila ng aktor at nire-remind pa siya na huwag lumabas ng bahay.

“I cannot imagine na a day ago we were talking on the phone at panay pa ang remind niya sa akin na huwag lalabas ng bahay dahil nga prone ang mga senior citizens na tulad ko sa pandemic na ito, ito at siya pala ang tinamaan,” sey ni 'Nay Lolit.

Worried daw si Boyet para sa asawang si Sandy Andolong since mababa ang immune system nito. He also urged his friends na magpa-test.

“Mas matindi ang pag-aalala niya kay Sandy Andolong dahil nga mababa ang immune system nito dahil sa kidney transplant na pinagdaanan nito.

“Halos lahat ng barkada nina Christopher na sina Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, tinawagan niya para magpa-testing at mag-quarantine.

“Hindi na biro ang mga nagaganap sa paligid natin, kaya lahat tayo, maging vigilant at responsible. Huwag nating hayaang tumaas pa ang numero ng mga biktima nito. We will prevail. We will win.

“Huwag na tayong pasaway, sumunod na tayo sa utos ng gobyerno. Huwag na tayong pakalat-kalat sa kalye,” ani 'Nay Lolit.

Sa huli ay positibo naman ang veteran columnist/talent manager na malalampasan ni Boyet ang Coronavirus.

“I salute you, Christopher de Leon, kakayanin mo 'yan, malalagpasan mo at gagaling ka, ikaw pa. Ang lakas mo kay God,” she wrote.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page