Baste Duterte, may sintomas ng COVID-19
- Ronalyn Seminiano
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends
Sumailalim sa 14-day self-quarantine ang anak ni President Rodrigo Duterte na si Kitty habang person under monitoring (PUM) naman ang Davao City vice-mayor na si Baste Duterte.
Nakaramdam ng ubo, lagnat at sore throat na mga sintomas ng COVID-19 si Baste matapos itong bumiyahe sa Maynila.
Ang mga itinuturing na PUM ay ‘yung mga bumiyahe o pumunta sa mga lugar na mayroong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Samantala, mismong ang kapatid ni Baste na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nagpayo sa kanya na huwag nang sumailalim sa COVID-19 test dahil 14 days lamang ang incubation period nito. Tatlong Linggo na kasi ang nakakaraan nang bumiyahe si Baste sa Maynila.





Comments