Angeline, heartbroken sa ex-BF na may ka-live-in at anak
- Julie Bonifacio
- Mar 19, 2020
- 2 min read

Usap-usapan ngayon ang ibinulgar ni Angeline Quinto via social media tungkol sa love affair niya sa isang non-showbiz guy recently. Pero ilang buwan pa lang ang kanilang relasyon ay nakipaghiwalay na agad si Angeline.
Natuklasan niya kasi na may ibang babae 'yung guy at ka-live in pa. Bukod doon, meron na rin pala itong anak.
Itinago raw sa kanya ng non-showbiz guy ang tungkol sa pamilya nito. Pero nu'ng malaman niya, nakipaghiwalay na rin siya agad last month.
Ang mas masakit pa raw kay Angeline, sa mga kaibigan pa niya nalaman ang tungkol sa ka-live-in at anak ng "ex" niya, kaya mas pinili niyang layuan 'yung lalaki.
"Kung sarili ko lang ang iisipin ko, puwedeng-puwede naman, magiging masaya rin ako. Pero 'yung may iiwanan siya, hindi ko kaya. Alam ko naman na mas tama 'yung ginawa ko, na pinabalik ko siya sa family niya, at ayokong may iiwanan siya dahil sa akin," sabi pa ni Angeline.
Ito kaya ang dahilan kung bakit ang tabang tingnan on screen ni Angeline sa ASAP Natin 'To? 'Pag tumataba raw kasi ang babae, malamang ay depressed lalo na sa usaping-pag-ibig.
Eh, that time na napanood namin siya sa A.S.A.P. Natin 'To bago pa kumalat ang Covid-19 virus at magkaroon ng "community quarantine," kitang-kita sa TV ang pagiging "malusog" ng kanyang katawan. Heartbroken pala siya that time, huh?
Anyway, may ipinost naman si Angeline sa kanyang IG account na piktyur ng isang guy na naka-pose katabi ng yellow Camaru sports car. Binati ni Amgeline ng happy birthday 'yung nasa piktyur na nagngangalanag Chris Marco Chan.
Ang dami namang netizens ang kinilig nu'ng mag-thank you 'yung guy sa IG niya sa pagbati sa kanya ni Angeline at inakalang bagong inspirasyon ng singer.
Ayon kay Angeline, matagal na niyang kakilala si Chris. Knows din daw siya ng Mama Bob ni Angeline, pero friends lang sila.
But wait, may pahaging naman si Angeline na "konti pa" tungkol sa friendship nila nu'ng Chris. Meaning, konting push na lang siguro ni Chris ng pagpaparamdam kay Angeline, posibleng magkaroon ng chance na maging sila.
Why not?





Comments