top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

10 barangay sa Maynila, naka-lockdown

  • Mylene Alfonso
  • Mar 19, 2020
  • 1 min read

Sampung barangay ang naka-lockdown sa Maynila upang maiwasan ang paglabas ng tao sa kani-kanilang tahanan dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso kabilang dito ang Barangay 48, 49, 50, 51, 52, 53, 54, 55, 307 at 308.

Nabatid na wala na ring mga vendor na nagkalat sa Raon, Evangelista, Carriedo at Recto. Ayon kay Moreno, ilang barangay chairman ang nagsisimula nang mamahagi ng bigas at delata sa mga naka-lockdown na barangay.

Mahigpit ding ipinatutupad ang "No ID, No Entry" sa Maynila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page