top of page

‘Di dapat manghinayang sa ka-live-in na nang-iwan dahil makikilala rin ang “The One”

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 19, 2020
  • 2 min read

Katanungan

  1. For almost three years, nagsama kami ng live in partner ko na February 3, 1985 ang birthday at May 11, 1989 ang birthday ko. Buong akala ko ay hindi na kami maghihiwalay, pero natuklasan kong may kinalolokohan pala siyang babae na nakilala lang niya sa Facebook. Kinumprota ko siya at hindi naman siya tumanggi na may karelasyon daw siya.

  2. Ang masakit ay mula nang magkasagutan kami, hindi na siya umuwi ng bahay at nag-text na lang siya na kalimutan ko na siya at humihingi ng sorry. Sa tingin ko, nakisama na siya sa babae niya at ‘yung Facebook nila nu’ng babae niya ay parehong deactivated na.

  3. Sa palagay ninyo, nagsasama na kaya sila nu’ng babae niya at hindi na kaya siya babalik sa akin, kung hindi, magkakaroon pa kaya ako ng lalaking makakasama ko habambuhay?

  4. Wala akong ganang umibig ulit dahil hindi ako makapaniwalang sa isang iglap ay magagawa niya sa akin ‘yun. Kung muli akong magkaroon ng karelasyon, kailan ito o babalik pa kaya siya? Pagkatapos kasi niyang mag-text ay nagpalit na rin siya ng number.

Kasagutan

  1. Huwag ka nang malungkot, Ms. Taurus, dahil bukod sa hindi tugma ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign niyang Aquarius, ang birth date mong 11 o 2 (ang 11 ay 1+1=2) ay hindi rin suweto sa birth date niyang 3. Ibig sabihin, parang naka-design na magkakahiwalay kayo na madali namang kinumpirma ng malaking bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na isang malalang kabiguan sa pag-ibig na hindi basta-bastang maghihilom o mapaparam. Ang pag-aanalisang hindi na babalik ang dating live-in partner mo ay madali namang kinumpirma ng nabiyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, tulad ng nasabi na, nakatakda sa kapalaran mo ang makaranas ng matinding kabiguan sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, subalit, hindi mo dapat ikalungkot ang nasabing kabiguan dahil kapansin-pansin din ang ikalawang mas mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon, agad-agad na darating sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may masaya at panghabambuhay na pakikipagrelasyon na itatala sa iyong karanasan.

Dapat Gawin

Ms. Taurus, ang kalungkutan at pagkasiphayo sa pag-ibig na nararamdaman mo ngayon ay pansamantala lamang at lilipas din dahil ayon sa iyong mga datos, ngayong 2020, sa edad mong 31 pataas, sa buwan ng Mayo o Nobyembre, darating na ang ikalawang lalaking makarerelasyon mo na isinilang sa buwan ng Disyembre at siya na ang itinakda ng kapalaran na makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page