Umaming 3 taong depressed… Ellen, sising-sisi nang pinatulan si John Lloyd
- Mercy Lejarde
- Mar 18, 2020
- 1 min read

Sabi ni Ellen Adarna ay three years daw siyang nakulong sa depresyon. Weeehh, ‘di nga?
Ibig ba niyang sabihin, for almost three years na karelasyon niya si John Lloyd Cruz, dumaranas na siya ng depresyon hanggang sa nagkaanak sila?
If yes ang sagot, eh, puwedeng masabing hindi siya naging happy sa piling ni Lloydie for almost three years or kundi man, nagkamali siya sa pagpatol sa aktor, ‘di kaya?
Well, puwedeng lagyan ng background music ang emote ni Ellen na may lyrics that goes…. “Free again… independently, free again…” na puwedeng may konek sa separation nila ni Lloydie. Ganern?!
Eh, kung babalikan naman niya si Baste Duterte, paano naman si Arci Muñoz na
balitang nali-link romantically ngayon sa guwaping na dyunak ni P-Digong? Just asking lang po!
At teka, ‘di ba’t mag-BFF sina Ellen at Arci? So, kung totoo ang chika na sina Baste at Arci na ngayon, aba’t tinuhog pala ng Presidential Son ang mag-BFF!





Comments