top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-post ng sandamakmak, binanatan… Sigaw ni Ai Ai: Dahil lang sa walang kakuwenta-kuwentang alcoho

  • Nitz Miralles
  • Mar 18, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Hindi pa rin pala tapos ang pamba-bash kay Ai Ai delas Alas dahil sa maling akalang nag-hoard siya ng alcohol. Dahil ito sa post niya ng boxes ng alcohol na for distribution naman sa mga nag-order sa kanya.

Nag-post si Ai Ai ng quotation card na: “Don’t Panic. I’m with you. There’s no need to fear I’ll give you strength. I’ll help you. I, your God, have a firm grip on you and I am not letting go,” at biglang may nag-comment na si Ai Ai naman daw ang nag-panic buying ng alcohol.

Sagot ni Ai Ai, “Magbasa ka at intindihin mo ang post ko... napaka-judgmental mo at saka ‘wag mo na gamitin si Lord sa mga posts mo, mangilabot ka naman.”

Kaya nang may magtanong kay Ai Ai kung ubos na ang alcohol na ibinenta niya, balik-tanong ni Ai Ai, nagtatanong daw ba ang netizen o sarcastic lang?

Napa-comment pa si Ai Ai ng, “Ngayon ko lang na-realize na lahat ng gawin ko, nagma-matter sa kanila... pati walang kakuwenta-kuwentang alcohol, bina-bash pa ‘ko. Haha! Susme, ano kaya ‘yun.”

In fairness, nag-sorry si Ai Ai nang linawin sa kanya ng netizen na hindi siya sarcastic at kaya siya nagtanong ay dahil bibili ng alcohol para ipadala sa nephew niya. Nasa USA kasi ang nagtanong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page