Nadadale ng COVID-19 mayayaman, taong-grasa at basurero, exempted?
- Ka Ambo
- Mar 18, 2020
- 2 min read
TULIRO ang taumbayan.
Damay-damay ang lahat!
◘◘◘
DAIG ng COVID-19, ang Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Lahat ay maaari nitong mabiktima — mahirap man o mayaman!
◘◘◘
MAY mga nagtatanong: Bakit walang iniuulat na namatay na “taong-grasa” o basurero sanhi ng COVID-19?”
Mayayaman at may pera lang ba ang nabibiktima ng COVID-19?
◘◘◘
‘YUNG taong-grasa, kapag pinilit mong paliguan sa katwirang para makaiwas sa COVID-19, tiyak na papalag ito.
Kapag pinaliguan mo ang “taong-grasa”, walang duda, sisipunin at lalagnatin ‘yan!
◘◘◘
IDINISENYO ang COVID-19 laban sa mga “mayayaman” at hindi laban sa mga nagdarahop.
Dahil d’yan, ikinakalat sa social media na “biological warfare” ang COVID-19 —pero walang malinaw na ebidensiya para r’yan.
◘◘◘
NAG-UUNAHAN ang mga bansa kung sino ang unang makatutuklas ng vaccine laban sa Covid-19.
Kung sinong bansa na makatutuklas ng unang vaccine kontra COVID-19, siya ang unang “suspek” na nag-imbento nito.
◘◘◘
MAY nagsasabi naman na ang COVID-19 ay walang lunas sapagkat ito ay nagmula sa isang “extra terrestial body”.
Huh, ‘yan ang “plot” sa isang pelikula.
◘◘◘
HINDI ba kayo nagtataka, walang gaanong malaking bilang ng mga nilalagnat, sinisipon at inuubo sa inyong paligid at kamag-anak? Opo, mas malusog ang physical na katauhan ng bawat tao ngayon kumpara sa panahon na wala ang COVID-19 scare.
Kasi ay nasa “panic mode” ang bawat tao ngayon. Dahil diyan, nakalabas ang “adrenalin” ng bawat isa.
◘◘◘
ANG adrenalin ay isang “super hormones” na awtomatikong kumakatas at sumasanib sa dugo ng tao na nasa “gitna ng panganib”.
Ito mismo ang nag-aalerto sa “immune system” upang makadepensa laban sa “external threat” tulad ng COVID-19.
◘◘◘
ANG mga sanggol at paslit ay may mabulas at sariwang-sariwang mekanismo ng immune system at may unlimited source ng adrenalin.
◘◘◘
SABI ni Kristo: Hangga’t ikaw ay hindi magiging katulad ng isang “paslit”—hindi ka makaliligtas.
'Yan ang “clue” laban sa COVID-19—dapat ay matulad tayo sa isang “paslit” upang maging “LIGTAS” o “survivor”.





Comments