Dept. of Finance, maglalaan ng P27.1-B para sa COVID-19
- Nancy Binay
- Mar 18, 2020
- 2 min read
Mahalagang usapin sa bawat plano ng pamahalaan ang budget kaya nagagalak tayong malaking pondo ang inilaan sa pagtugon sa krisis na hinaharap natin.
Ayon sa Department of Finance, P27.1 bilyon ang nakalaan para sa COVID-19.
P3.1 bilyon ay gagamitin para sa pag-iwas sa pagkalat ng nagsabing virus, kasama ang pagbili ng mga test kits.
Samantala, P2 bilyon naman ay nakatakdang gamitin ng Department of Labor and Employment para sa social protection programs ng mga manggagawa tulad ng wage subsidy o ayuda.
P2.8 bilyon ay para sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Survival and Recovery (SURE) Aid Program ng Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC). Nagbibigay ang programang ito ng loan na umaabot sa P25,000 at may zero interest para sa mga smallholder farmer and fisherfolk na apektado ng mga kalamidad.
P1.2 bilyon ang nakalaan para sa Technical Education and Skills Development Authority at P1.2 bilyon para sa unemployment benefits ng Social Security System (SSS). May P1 bilyon din para tulungan ang mga micro, small, and medium enterprises na apektado ng COVID-19.
May P14 bilyon mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) din na nakalaan para sa iba’t ibang programa ng Department of Tourism (DOT) at para suportahan ang tourism industry.
◘◘◘
Malalagpasan natin ang bagong hamon na ito sa pamamagitan ng ating kooperasyon at pagtutulungan. Let’s do our part. Sumunod tayo sa ipinatutupad na enhance community quarantine.
◘◘◘
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang-lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com. Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments