top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Señor... Iba’t ibang karamdamang nanalasa at pumatay sa milyun-milyong tao sa buong

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Mar 18, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang kasaysayan ng mundo na may kaugnayan sa mga salot, peste at karamdamang pumatay ng napakaraming tao. Ngayon, ang buong mundo ay nagkakagulo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 kung saan marami ang natatakot at ninenerbiyos kaya masasabing ang panahon ngayon ay “panahon ng pag-aagam-agam” na ang ibig sabihin ay madilim ang hinaharap na walang nakikitang lunas.

Gayunman, hindi lang ngayon nararanasan ng buong mundo ang pagkakaroon ng salot dahil narito ang ilan, ayon sa kasaysayan:

1. 165 A.D. – tinatayang 5 milyong tao ang namatay dahil sa sakit na hindi nakilala, pero pinangalanan din itong Plague of Galen o Antonine Plague. Ayon sa kasaysayan, lubhang naapektuhan ang buong kontinente ng Asia Minor, Egypt, Greece at Italy. Sa una ay inakala ng marami na ang sakit ay sanhi ng smallpox o measles, pero hindi rin naman nila alam kung ano ang sanhi ng pagkakaroon nito.

Base sa impormasyon, ang sakit ay dala ng mga sundalong Romano na nagmula sa Mesopotamia kung saan ang pinakamalalang naging resulta ay ang pagkamatay ng napakaraming Roman Armies.

2. 541- 542 A.D. – naranasan ang Bubonic Plague na pinangalanan ding Plague of Justinia kung saan 25 milyong tao ang namatay at ipinagpalagay na kalahati ng populasyon ng Europe.

Dahil dito, ang panahong ito ay tinatawag ding “panahon ng reign of terror” dahil ang takot ay naghari sa lahat ng mamamayan ng buong mundo.

Ito ang unang naitala na Bubonic Plague na dumating sa mundo at takot na takot ang lahat dahil 5,000 deaths ang naitatala bawat araw. Base sa impormasyon, 20% ng populasyon ng City of Constantinople ang naubos.

3. 1346 - 1353 – muling nagbalik ang Bubonic Plague sa mundo kung saan umabot sa 75 milyon hanggang 200 milyong tao ang namatay.

Hindi nakaligtas ang Europe, Africa at Asia dahil ang salot ay nagmula sa Asia, ngunit kumalat sa maraming bansa dahil ito ay dala-dala ng mga daga na namamahay sa mga barko o sasakyan-pandagat ng mga negosyante sa iba’t ibang panig ng mundo.

4. 1852 - 1860 – nagkaroon ng third cholera pandemic kung saan isang milyon ang namatay. Ito ang pinaka-deadly sa pitong cholera pandemics na naranasan ng buong mundo. Mula sa India, kumalat ito sa Ganges River at naminsala sa Asia, Europe, North America at Africa.

Sa isang masuwerteng pagkakataon, nadiskubre ng British Physician na si John Snow na ang cholera ay mula sa marumi o contaminated water at ito na rin ang naging simula kung bakit nalunasan ang pandemic na ito.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page