top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Agree, Matteo? Hirit ni Ronnie: Mommy Divine ni Sarah, mabait naman!

  • Julie Bonifacio
  • Mar 18, 2020
  • 3 min read

Maaantala ang shooting ng bagong movie ni Ronnie Liang, ang Harang directed by Njel de Mesa dahil sa Covid-19 pandemic, pero sabi ng singer, naiintindihan naman niya.

Ang Harang ay tungkol sa tatlong musicians na “rumaraket” sa iba’t ibang events gaya ng wedding at wake. Si Ronnie ang lead cast ng movie na magpapa-secret wedding.

Biniro namin si Ronnie kung inspired ba ang kuwento ng Harang kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“Uh, Crush Landing (On You). AshMatt ng Crush Landing,” pabiro ring sagot ng singer.

Isang Army reservist ang role ni Ronnie sa movie. At tulad niya, Army reservist din in real life ang mister ni Sarah.

“Si Matt naman, ranger siya. Kasi ako, sa Regimen. So, mga tangke ‘yung sa akin, at mga eroplano. Sa branch ng Army, it’s called Army Aviation, mga helicopter, sa aircrafts. Pero hindi naman necessary (na may license as a pilot). Kahit hindi na piloto, puwede namang mag-reservist. Kung ano ‘yung strength mo that you can contribute sa Army, halimbawa, doktor, puwede kang mag-reservist,” esplika ni Ronnie.

Inamin ni Ronnie na kaibigan naman niya sina Sarah at Matteo. Madalas kasing mag-guest si Ronnie sa mga concerts ni Sarah, sa loob at labas ng ‘Pinas.

Habang ngumiti lang si Ronnie when we asked him kung niligawan din niya si Sarah noon.

“Mabait kasi si Sarah. She’s very friendly.”

Eh, ang ina ni Sarah na si Mommy Divine na laging kasama noon ni Popstar Royalty? “Mabait naman si Mommy Divine, nami-misinterpret lang siya.”

First time magbibida ni Ronnie sa isang rom-com movie. Dati na siyang nakapagbida sa pelikula ni Direk Elwood Perez, ang Esoterika: Maynila.

“I feel so grateful and honored sa ganitong pagkakataon. Ang daming artista nowadays pero ngayon dumating sa akin. God’s perfect time. I don’t believe sa… ‘yung nale-late? Ganu’n talaga.”

Sexy ang tema ng Esoterika film ni Ronnie, habang rom-com naman ang Harang kaya hindi kailangang magpakita ng “skin” ng singer.

“May pagka-sexy ang movie, pero wala siyang… Hindi ina-approve ng Viva from waistline paibaba (na ipakita). Yes, may limitations ang Viva sa akin (that was) during that time. Pero ngayon, for this movie, pinirmahan na nila, open for all, kaya abangan na ninyo. Harang po, soon. Walang harang,” nakangiting sey pa ni Ronnie

Medyo matagal na rin sa showbiz si Ronnie, pero ngayon lang talaga nasasabak sa maraming proyekto ang singer-actor.

“Well, thankful ako sa Viva kasi binibigyan din nila ako ng mga pagkakataon na makasama ako sa mga pelikula nila, sa concerts and shows ni Sarah. Nagri-release kami ng songs, hindi kami humihinto. Sa Sari-Sari, ‘yung mga serye nila, mga supporting roles, cameo roles sa Viva Films, ganyan. At least, hindi po nawawala.”

Hindi lang naman daw kasi sa dalawang networks puwedeng magkaroon ng exposure ang isang artist. With the help of modern technology, ang daming platforms to showcase ang talent nila.

Bukod sa pagiging singer, piloto at Army reservist, ano pa kaya ang gusto niyang gawin sa buhay?

“Isa pa sa mga pangarap ko ang makapag-lead pa rin ulit sa isang mainstream movie. I mean, sa pelikula. Sa study, of course, and Araneta Coliseum (concert).”

Puwede ring pulitiko si Ronnie, huh?

“Bakit hindi? Kung ano ang darating sa akin. Pero hindi pa ngayon. Many times I was offered. Puwede raw akong mag-run na congressman ng ganito or councilor. They are willing to support me. Hindi pa po ako ready for politics. Sabi ko, invite n’yo na lang akong kumanta sa miting de avance.”

Samantala, okay naman daw ang love life ni Ronnie. More than five years na sila ng non-showbiz girlfriend niya na nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Busy din kasi siya sa work niya. LDR pa. At least, kung piloto na ako, puwede na akong pumunta, sakay lang ako (sa eroplano), everyday flight, Philippines to US, direct flight.

May plano naman daw silang magpakasal.

“And I can say yes, she’s the one. I believe so.”

Kung may dream wedding siya, ano kaya ‘yun?

“Sa eroplano, ‘di ba? Payag naman ang magiging wife ko. Stewardess siya. Joke lang. Pero ‘yung parang airborne,” sabay tawa ni Ronnie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page