Trabaho, apektado ng COVID-19… Hirit ni Sen. Bong: pagbabayad ng utang, isuspinde!
- Vinia Vivar
- Mar 17, 2020
- 1 min read

Isa pang dapat papurihan ay si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil sa pagmamalasakit niya rin sa mamamayan amidst the country’s battle over CoVid-19.
Sa kanyang Facebook post ay iminungkahi ng senador na dapat daw ay isuspinde muna ang mortgage amortization at iba pang bills sa panahon ngayon ng community quarantine (na as we write ay may talks na ng total lockdown).
“The President’s declaration of a community quarantine for the whole NCR has brought serious concern to a vast number of our kababayans who work hard day in and day out to make payments that fall due.
“Habang malinaw sa deklarasyon ng pangulo na tuloy ang trabaho at wala dapat agam-agam sa pagkawala ng hanapbuhay, marami na ang tumitingin sa posibilidad na sundin dito sa atin ang halimbawa ng Italy sa pag-suspend ng mortgage payments at ilang bayarin.
“For this reason, I ask our Financial Managers to study and look into this course of action so that if conditions worsen and the need arises, we could implement an emergency mechanism that would ease the burden of our kababayans with the least adverse impact on our finances, economy, and institutions.
“Mabuti nang maging handa at may malinaw at pinag-isipang plano kung sakaling dumating ang pangangailangan,” ang pahayag ni Sen. Bong sa kanyang FB kahapon.
Agree kami sa suhestiyong ito, of course, dahil malaking bagay ito sa mamamayan kung maisasaaksiyon talaga.





Comments