Kailangan pa raw bang ipagyabang? Bela, idinispley ang Prada bag, nakatikim sa netizen
- Beth Gelena
- Mar 17, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: Bela's IG @bela
Ang mga netizens talaga, kahit walang kabagay-bagay, basta tungkol sa mga artista ay pinupuna nila. Tulad na lang nang nakasukbit na bag ni Bela Padilla.
Ipinapa-explain ng netizen kung bakit ang branded niyang bag ay kailangan pang ipakita sa ibinahagi niyang larawan.
Ani ni @reggielita, “Is there really a need to showcase the bag?”
Sagot ni Bela, “None at all… but, I mean… I was wearing it over my shoulder and when you put your arms the way I did, it does usually swing to the back… :)”
Tama naman ang sinabi ng aktres. Talagang kapag shoulder bag ang gamit, usually ay umiikot ito nang hindi napapansin.
Kaya hindi na kasalanan ni Bela kung nakita man ang Prada na tatak ng kanyang luxurious bag.





Comments