top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Marso 17, 2020 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 17, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2020 (Martes): Malayo ang iyong mararating, ibig sa­bihin, magkakaroon ka ng matagumpay na buhay at aani ka ng maraming kara­nga­lan at pagkilala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bigyang-laya mo ang isipan mo. Huwag kang magpatali sa mga ma­kalumang tradisyon dahil mas uunlad ang buhay mo kung makikisakay ka sa agos ng makabagong pana­hon ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang para sa iyo at ipaglaban mo ang karapatan mo. Na­kagugulat dahil ang mga walang katwiran ay ipinag­pipilitan ang kanilang sarili. Muli, ipaglaban mo ang ka­rapatan mo. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-21-27-30-32-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Sungga­ban mo ang nasa harapan mo ng magandang pagka­kataon na puwede kang umasenso nang hindi ka gaanong mahihirapan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-9-16-29-38-42-44.

CANCER (June 21-July 22) - Piliin mo ang may maba­bang kaloo­ban. Lu­mayo ka sa mga mapag­mataas dahil kapag sila ay ibinagsak ng langit, maaari kang madamay. Ito ang men­sahe ng iyong kapala­ran. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-27-33-37-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bi­nubuhat ang mahina. Hindi ka mahina at ang totoo, ikaw ay malakas kaya ikaw ang bumuhat sa malapit sa puso mo na ma­hina. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-15-26-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa mga may ka­pin­tasan dahil tulad ng nakahahawang sakit, puwede ka nilang ma­hawahan. Mas magandang mag-isa ka lang kaysa sa masira ang iyong personali­dad at dangal. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-24-25-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ma­luwag, doon ka dumaan. Ito ang payo para hindi na ma­dagdagan pa ang iyong pag­hihirap. Huwag mong ka­lig­taan na hindi ka isinilang para mabuhay sa kapigha­tian. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-28-30-31-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa masasayang aktibidad. Ang buhay ay buhay ng agam-agam at pangamba. Mas ma­gandang haluan ito ng saya nang sa gayun ay mabawasan ang kaba. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-14-19-21-24-39-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magda­han-dahan ka dahil sa pana­hon ngayon, hindi maganda ang mabilis at sobrang bilis dahil ang kawalan ng ingat ay nasa mga taong hindi nagda­dahan-dahan sa mga kilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-11-18-25-27-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsakri­pisyo ka dahil mas mapalad ka kaysa sa iba. Ang ilan sa hawak mo ay puwede mong itulong sa mga nangangaila­ngan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-24-29-30-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadarag­da­gan ang ku­lang kaya ka­pag may kulang sa iyong kabuhayan, tiyak na ikaw ay madaragdagan. Ang may sobra ay mababawasan at puwedeng mawalan. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kaila­ngan ang kasa­ma kung pabi­gat lang siya sa iyo. Hindi mo rin kailangan ang may ma­hal ka kung mahihirapan lang ang puso at kalooban mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-21-25-33.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page