top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil busy pa rin sila sa trabaho... Dapat gawin ng mga kasambahay para iwas-COVID-19

  • Jersey Sanchez
  • Mar 17, 2020
  • 2 min read

Sa kahit anong panahon, abala sa gawaing-bahay ang ating mga kasambahay o household worker, kaya naman ngayong nasa kani-kanyang tahanan ang marami sa atin, tiyak na busy rin ang mga tinaguriang superhero sa bahay. Agree?

Well, kahit busy sa gawain o trabaho, kailangan pa ring masigurado na walang magkakasakit sa kanila kaya narito ang ilang safety reminders sa ating mga household workers para hindi tamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19):

1. ‘WAG LUMABAS KUNG HINDI KAILANGAN. Habang gumagalaw tayo, lalong tumataas ang tsansa na kumalat ang virus, kaya kung hindi natin kailangang lumabas ng bahay, ‘wag na itong gawin. Kapag may mga pagkakataong kailangang lumabas tulad ng pamamalengke, gumamit ng face mask at panatilihin ang social distancing. Kung puwedeng hindi makipagsabayan sa bugso ng tao, mas oks ito at pagkauwi, maghugas agad ng mga kamay at paa, gayundin, magpalit ng damit bago magpatuloy sa trabaho. Iwasan din nating hawakan ang ating mga mata, tainga at ilong.

2. ‘WAG IPASOK SA BAHAY ANG GINAMIT NA SAPATOS/TSINELAS. Mabuting ‘wag agad ipasok sa bahay ang ginamit na sapatos o tsinelas. Sa halip, mag-spray muna ng disinfectant sa suwelas bago itabi.

3. ‘WAG MAKIHALUBILO. Para sa mga drivers, kapag may lakad ang inyong employer, ‘wag nang makihalubilo sa iba pang driver dahil hindi natin alam kung saan sila nanggaling at sino ang mga nakasalamuha nila. Gayundin, mas mabuting magsuot ng face mask habang nagmamaneho at bago bumiyahe, punasan ng disinfectant ang manibela at kambiyo para sure na malinis ang mga ito.

4. UMINOM NG BITAMINA. Marami sa atin ang nakapokus sa proper hygiene, pero nakalilimutang uminom ng bitamina. Mga beshy, kailangan nating magpalakas ng resistensiya sa pamamagitan ng pag-inom ng bitamina at pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas. Kailangan nating pagsabayin ang proper hygiene at malakas na resistensiya para malabanan ang virus.

5. MAGPA-CHECK-UP ‘PAG HINDI MAGANDA ANG PAKIRAMDAM. Kapag nagkaroon ng lagnat, sore throat o ubo at sipon, ‘wag kayong mahiyang magsabi sa inyong employer upang makapagpa-check-up kayo agad, gayundin upang makapagpahinga. Sa panahon ngayon, walang maitutulong ang panghuhula ng sakit dahil hindi tayo sigurado kung sintomas na ito o simpleng sakit lang.

6. GAMITIN ANG BLEACH-WATER SOLUTION. Inirerekomenda ng mga eksperto ang bleach-water solution bilang disinfectant. Para gawin ito, ihalo ang ¼ cup bleach sa 1 galon ng malinis na tubig at gamiting pamunas sa mga bagay na palaging hinahawakan sa bahay tulad ng doorknob, staircase railing, remote, lamesa, gayundin, ang sahig.

7. PAKINABANGAN ANG CELLPHONE. Hindi para magbabad sa social media, ha? Gamitin ito sa pag-set ng alarm para maalala na kailangang maglinis o mag-sanitize ng mga kamay kahit nasa loob ng bahay. Mag-set ng alarm kada 30 minuto hanggang isang oras at kapag tumunog na ito, maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.

Mga bro at sis, ang ilang paalalang ito ay parte ng pag-iingat sa nakahahawang sakit, kaya make sure na ibabahagi ninyo ito sa inyong mga kapamilya at kakilala para marami ang manatiling malusog at protektado.

Gayunman, habang kinahaharap ang pagsubok na ito, sabayan natin ng dasal at pagtutulungan ang pag-iingat upang sabay-sabay nating malampasan ang hamon na ito.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page