3 miyembro ng NPA, sumurender
- Pabs Hernandez III
- Mar 16, 2020
- 1 min read
South Cotabato—Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Tasiman, Lake Sebu.
Ang mga sumuko ay kinilala sa mga alyas na Ka Wok, Ka Blata at Ka Munsor, pawang kasapi ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga rebelde sa mga awtoridad ang mga dala nilang armas, bala at mga subersibong dokumento.
Ayon sa mga sumukong rebelde, kaya umano sila nagbalik-loob sa pamahalaan ay dahil nais na nilang makapiling ang kanilang pamilya.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang dalawang sumukong NPA upang matiyak ng mga awtoridad na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments