top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Padir ng bata, ngayong annulled na sa ex-misis… Liz, inilantad na ang anak sa tv

  • Julie Bonifacio
  • Mar 16, 2020
  • 2 min read

And speaking of birthday, kamakailan ay nag-celebrate si Bianca Gonzalez ng kanyang birthday sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay hosted by Mom­shies Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Deserved naman ni Bianca na bigyan ng MB ng birthday celebration dahil madalas siyang mag-special guest co-host sa morning show kapag absent ang isa sa mga hosts.

At sa birthday celeb ni Bianca sa show, marami ang nagulat sa muling paglabas ng kilala and controversial stylist na si Liz Uy. Long-time friends pala talaga kasi sina Bianca at Liz.

Matagal ding nanahimik sa “limelight” si Liz lalo na when she got pregnant at naintriga pa tungkol sa tatay ng kanyang baby na si Raymond Racaza.

Natsismis kasi na may asawa at anak si Raymond nu’ng time na maging sila. ‘Yun pala, matagal nang “estranged” sa kanyang misis si Raymond at annulled na rin ngayon ang kasal.

Ang bongga pa sa special guesting ni Liz sa Magan­dang Buhay, for the first time ay inilabas niya on TV ang kanyang baby na si Xavi (Xavier ang real name).

Samantala, may panawagan naman ang TV host at Asian Artist Agency talent na si Bianca Gonzalez sa mga kapwa niya Pinoy kaugnay ng COVID-19 na idinaan ni­ya sa kanyang social media account.

Mensahe ni Bianca sa ating mga kababayan, “Fellow citizens, let us trust in our government and follow the measures by which we can all help contain this situation and see its end soonest.”

Nanawagan din si Bianca sa mga government officials lalo pa’t ang dami-dami kasing naka-impose na ‘dos and don’ts’ especially sa mga nakatira sa Metro Manila. Tapos, hahaluan pa ng confusion ng ibang announcements ng gobyerno.

“Government officials, kindly be patient with all our questions and explain in a calm, clear manner. Tulungan tayong lahat,” post ni Bianca.

Knows naman ng marami na very active and responsible si Bianca sa paggamit ng social media.

Pero sa kabila nito, may mga namba-bash pa rin kay Bianca. Pero ‘di ang mga bashers ang makakapigil sa kanya to express what she feels via social media.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page