top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Macau wagi vs. coronavirus

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 16, 2020
  • 2 min read

DAPAT MAY ISANG SPOKESMAN ANG IATF—Sabi ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ay huhulihin daw nila mga violators sa “community quarantine”, pero kinontra ito ng Department of Justice (DOJ) dahil labag daw ito sa karapatang-pantao; sabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay may ipaiiral na curfew, pero kinontra ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil hindi raw ito (curfew) puwedeng ipatupad kung walang ordinansa ng mga LGUs (Local Government Units).

Dapat magkaroon ng isang spokesman lang ang International Automotive Task Force (IATF) para hindi magkakasalungat ang sinasabi nila sa publiko, boom!

◘◘◘

CORONAVIRUS, TINALO NG MGA TAGA-MACAU—Dahil sa pagtutulungan ng kanilang gobyerno at mamamayan ay idineklara ng Macau na tinalo na nila ang Coronavirus Disease dahil zero case na sila sa COVID-19, gumaling na ang 10 residenteng tinamaan ng virus at ang good news, walang taga-Macau na namatay sa sakit na ito.

Sa mga nagpa-panic d’yan, huminahon muna kayo kasi ang pahayag na ‘yan ng Macau gov’t. basta magtulungan lang ang gobyerno at mamamayan, siguradong kayang-kaya nating talunin ang virus, period!

◘◘◘

KUNG GINAYA LANG NG IBANG MGA BANSA ANG MACAU, HINDI NA SANA NAKAPANALASA SA BUONG MUNDO ANG COVID-19—Ang diskarte ng Macau kaya tinalo ang COVID-19 ay pagpapasara agad sa kanilang border, pag-ban sa mga turista, lockdown, pamimigay ng face mask, alcohol, relief goods at pagsunod ng kanilang mamamayan sa payong maging malinis sa sarili at kapaligiran at pag-disinfect ng virus sa kanilang lugar.

Kung sa una pa lang ay ganyan na rin ginawa ng ibang mga bansa, sana ay hindi na nakapanalasa nang husto ang COVID-19, period!

◘◘◘

DDS AT DILAWAN, TULOY PA RIN ANG BANGAYAN SA KABILA NG PANANALASA NG COVID-19—Sa panahong nananalasa ang Coronavirus Disease, ang mga DDS at dilawan ay tuloy ang siraan at bangayan sa social media.

Ganyan kawalang kuwenta ang pagkatao ng DDS at dilawan, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page