Horoscope | Marso 16, 2020 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Mar 16, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2020 (Lunes): Kung ano ang maganda para sa iyo, ‘yun ang gustuhin mo. Ikaw ang magpasya kung ano ang maganda at hindi ang ibang tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kaluwagan ang hatid sa iyo ng araw na ito. Puwede mo nang gawin ang mga bagay na nahirapan kang simulan noon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mo ang magandang pananaw mo sa buhay. Hindi maganda na maaapektuhan ka ng mga pangit na kaganapan sa paligid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-28-30-35-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Para mapadali ang mga gawain, humingi ka ng tulong sa mga malalapit sa iyo. Huwag mong pahirapan ang sarili mo para lang masabi na kaya mo ang mahirap na proyekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-28-30-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Lakas lang ng loob ang kailangan mo para masimulan ang gusto mong proyekto na magpapaunlad sa buhay mo kaya dapat ay ngayon na at hindi sa ibang panahon pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-25-39-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung may hinahanap ka, ngayon mo na pagsikapang hanapin. Maganda ang panahon ngayon, lalo na para sa paghahanap ng tunay at wagas na pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-20-23-30-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilantad mo na ang mga alas mo. Hindi ka dapat matulad sa iba na ang mamahalin at magagandang alahas ay palaging nasa taguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-21-24-38-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ipon at mag-imbak ka habang may panahon pa. Ito ang ibig sabihin ng payo na dapat ay pinaghahandaan ang kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-22-23-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanda ka. Ngayon ay panahon ng kawalan ng katiyakan. Pero sa taong naghanda, ang panahon ng kawalan ng katiyakan ay tiyak niyang malalampasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-29-30-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka dahil hindi maganda na ikaw ay sobrang mataas. Ang pagbaba mo ay para makisalamuha ka sa mga pangkaraniwang nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-29-30-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gaganda pa ang takbo ng kapalaran mo kaya ‘wag kang makuntento. Ang payo na dapat makuntento ay payo na walang saysay habang ang tao ay buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-21-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nasabi mo, huwag mo nang baguhin. Mahalaga sa tao ay may palabra de-honor. Nasisira ang imahe ng taong sinisira ang kanyang mga sinasabi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-21-26-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa mga taong nabigo dahil sa katigasan ng ulo. Kumuha ka rin ng aral sa mga taong nagtagumpay dahil sumunod sa mga patakaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-18-20-24-25-39.
![endif]--![endif]--




Comments