top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahulugan ng puno ng ubas na hitik sa bunga

  • Socrates Magnus
  • Mar 15, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Emily na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Ano ang kahulugan ng panaginip na may puno ng ubas na punumpuno ng bunga?

Naghihintay, Emily

Sa iyo Emily, Sa mundo ng panaginip, ang makapanaginip ng mga pagkain, bunga ng mga halaman, gulay at prutas ay nagpapayo na ang nanaginip ay dapat kumain ng tulad ng napanaginipan niya.

Maaaring hindi agad-agad paniniwalaan ang nasabing payo, kaya mas mabuting gawin nating gabay ang mismong nakasulat sa Banal na Aklat. Nasusulat na si St. Peter ay umakyat sa bubong at namalagi roon nang ilang araw kaya siya ay sobrang nagutom at ang kanyang napanaginipan ay malaking kumot ng pagkain at sinabi sa kanya ni Lord na kumain siya.

Sa pagkabigla ni St. Peter, hindi siya nakapagsalita at muli niyang narinig ang boses na nagsabing “Kumain ka!”

Kaya siya pinakakain ay dahil totoong kailangan niyang kumain dahil nasobrahan ang kanyang pagpa-fasting kung saan kapag nagtagal na hindi siya nakakain, baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Dahil dito, ang sabi ng iyong panaginip, kumain ka ng maraming-maraming ubas dahil ito ang iyong kailangan ngayon.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page