top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BF, hindi makapag-ipon para sa kasal nila dahil todo-hingi ang pamilya

  • Roma Amor
  • Mar 15, 2020
  • 1 min read

Dear Roma, Naaawa ako sa boyfriend ko dahil mula nang naging kami at hanggang ngayon ay halos siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Walong taon na kami at nasa wastong edad na gayundin, nagpaplano na kaming magpakasal, pero paano naman matutuloy ang plano namin kung halos walang natitira sa kinikita niya? Kahit gustuhin naming mag-ipon para sa future namin ay hindi namin magawa dahil palaging nakahingi sa kanya ang pamilya niya at kapag tumatanggi siya, isinusumbat ang pagpapalaki sa kanya. —Belle

Belle, ‘Yung ganyang sitwasyon ay hindi na bago sa set-up ng pamilyang Pilipino, pero sa totoo lang, mali ito dahil una sa lahat, may karapatan siyang tumanggi kung gusto niya dahil pinaghihirapan niya ang perang ipinantutulong niya. Kung gusto n’yo na talagang makapag-ipon para sa future, maglakas-loob kayong magsabi sa pamilya niya na plano n’yo nang magpakasal at mag-budget para sa inyong pangangailangan.

Kaya n’yo ‘yan. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page