top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Mga bala, nakumpiska sa kuta ng NPA

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 14, 2020
  • 1 min read

Camarines Sur — Nakakumpiska ang mga awtoridad ng iba’t ibang uri ng bala sa sinalakay nilang kuta ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bayan ng Del Gallego.

Ang sinalakay ng mga awtoridad ay ang kuta ng NPA sa Bgy. Domagongdong.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol sa kuta ng NPA kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan, pero nakatakas ang mga rebelde.

Nabatid na iba’t ibang uri ng bala ng mga baril ang nakumpiska ng mga awtoridad sa naturang lugar.

Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na rebelde.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page