Kaya sobrang suwerte, Sarah… Kathryn, suportado ng parents sa career, tanggap pa ang BF na si Daniel
- Erlinda Rapadas
- Mar 14, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Excited at masayang-masaya ngayon si Kathryn Bernardo dahil finally, mauumpisahan nang ipatayo ang kanyang pinapangarap na bahay.
Bagama’t tatlo na ang bahay ni Kathryn, gusto pa rin niyang itayo ang kanyang dream house na mas malaki at ‘yung design na gusto niya.
Ilang taon ding pinlano at pinag-ipunan ni Kathryn ang pagpapatayo ng kanyang dream house. Todo-kayod siya at maraming commercial endorsements na pinasok, kaya naman magsisimula nang itayo ngayong 2020 ang kanyang dream house.
Among our young stars today, isa si Kathryn sa masasabing masuwerte dahil bonggacious ang career, may masayang love life at may parents na supportive sa kanyang mga pangarap sa buhay.
Hindi siya nade-deprive ng kalayaan na gawin ang mga bagay na makapagpapaligaya sa kanya at tanggap ng mga ito si Daniel Padilla bilang boyfriend niya. Nai-enjoy niya nang husto ang buhay at hindi mistulang nakakulong sa hawla at maraming restrictions kaya nakakapag-focus nang husto sa career.
Hindi rin agad makakaisip mag-asawa si Kathryn dahil marami pa itong pangarap na gustong maabot.





Comments