top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa COVID-19, Sharon… KC, nag-self-quarantine

  • Julie Bonifacio
  • Mar 14, 2020
  • 1 min read

Photo: @itskcconcepcion

Kasabay ng pagpo-post muli ni Megastar sa kanyang Facebook account, sunud-sunod naman na naglabas ng kanyang videos ang panganay niyang anak na si KC Concepcion sa kanyang Instagram account.

Inilabas ni KC ang kanyang saloobin sa announcement ni Pres. Rodrigo Duterte tungkol sa ‘community quarantine’ sa Metro Manila. Nabanggit din ni KC ang pagiging mag-isa niya sa bahay at walang kasama na since 18 years old pa lang daw siya ay nasanay na siyang mabuhay nang mag-isa.

Mabuti na lang daw at very modern na ang technology ngayon kaya madali niyang nakakausap ang kanyang mga relatives sa side ni Sharon.

Ngunit, aniya, “Pero siyempre, sa mga panahon katulad ngayon, na ganito, ‘yung lang…

“Kung okay din mag-isa o kung, ‘di ba, mas maganda may kasama, para may nag-aalaga naman sa ‘yo at meron ka ring kausap.”

Kasunod nito, mensahe ni KC, “I encourage those like me, who live alone, to take this time to, one, self-quarantine, so that you can just check ourselves for the next 14 days to see if clear kayo, if may napi-feel kayo.

“My doctor told me don’t go to hospitals unnecessarily, because more than 90 percent of those infected recover.

“Just take this time to just pray and think about life. What is life na ba ito? Maybe it’s good for us to think about what really matters in life. Walang perfect, like what I’ve said before, pero sana, maipakita natin sa isa’t isa ang pagmamahal natin.”

We wonder if kinumusta na ni KC ang kanyang Mama Sharon after ng sunud-sunod na aksidenteng nangyari sa aktres last month. Keep safe everyone! vjv

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page