Bilib na bilib sa aktres, Matteo… Sarah, parang gustong maging kamukha ni Julia
- Nitz Miralles
- Mar 14, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ang saya nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa vlog na in-upload ni Dra. Vicki Belo nang muling dumalaw ang mag-asawa sa Belo Medical Clinic sa BGC.
Sa nasabing video, sabi ni Sarah, ita-try niya ang Belo Glass Skin Facial dahil nakumbinse siya ng endorser ng treatment na si Julia Barretto. Convincing daw na endorser si Julia at gusto niyang gumanda kagaya nito.
Aniya, “I will try the glass skin facial kasi sobrang galing na endorser ni Julia. Parang gusto kong maging kamukha ko si Julia.”
Dahil nakikitang masaya sina Matteo at Sarah, masaya na rin ang mga supporters ng dalawa at wish nila, maayos na ang problema ng Pop Royalty with her parents para lalong maging maganda ang married life nila ng aktor.
Suggestion naman ng ibang mga fans nina Matteo at Sarah para mabilis silang matanggap ng parents ng Pop Royalty, bigyan daw nila ng apo sina Daddy Delfin at Mommy Divine para mawala na ang galit sa kanila.





Comments