top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka, dedbol sa 2 armado

Pabs Hernandez III
Mar 13, 2020
1 min read

North Cotabato — Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion, President Roxas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Ricky Leoncito, nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, habang nagsasaka si Leoncito ay nilapitan ito ng dalawang suspek at agad pinagbabaril.

Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga suspek. Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page