top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Bagsak-presyong gulay sa Benguet, binabarat pa!

  • Imee R. Marcos
  • Mar 11, 2020
  • 1 min read

Nakababahala na talaga ang patuloy na pagbulusok ng presyo ng mga gulay tulad ng repolyo na galing sa Benguet Province.

Kaya chika ng ating mga farmers d’yan sa Benguet Province, napipilitan na silang ibenta ng super mura, na kulang na nga lang ay ipamigay na ang kanilang mga inaning gulay dahil sa over supply.

Imagine, mula sa presyong P7 kada kilo noong nakaraang buwan, knows ba ninyo na P4 na lang kada kilo ngayon ng repolyo? Tapos ang bentahan sa mga bagsakan tulad ng Balintawak Market ay P8 kada kilo. ‘Kaloka, ‘di ba?

Please lang, mga friendship natin na mga negosyanteng taga-Maynila, ‘wag naman nating baratin to the highest level ang ating mga magsasaka. Balita ko kasi, kahit P4 na nga lang ang repolyo kada kilo, aba’y tinatawaran pa raw? Aysus, grabe naman ‘yan, ha?

Kaunting konsiderasyon naman, mga friendship, luging-lugi na ang mga kababayan nating magsasaka, kaya please lang, ‘wag nang baratin pa! At sa atin namang mga consumers, pakiusap, tangkilikin din natin ang kanilang mga paninda para naman maibsan kahit papaano ang kanilang pagkalugi.

Sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), pakibilis-bilisan naman ang ayuda sa mga magsasaka natin, ‘wag lang ‘yung pagtulong na maihatid ang kanilang mga gulay sa ibang bagsakan kundi bigyan na rin sila ng tulong-pinansiyal.

Heto namang DTI, payo lang natin na higpitan ang pag-monitor sa mga nagsasamantalang negosyante, ‘yung mga nagbebenta ng mahal, samantalang, naangkat naman nila ang kanilang panindang gulay sa bagsak-presyong halaga!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page