Shoo In at Garantisado mainam sa 2nd WTA
- Ding Taboy
- Mar 7, 2020
- 2 min read

Tatakbo na ngayong hapon ang siyam na karera sa bakuran ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) kasabay ng Condition Race, 3 Year Old Group, 3 Year Old Above Maiden Race at Condition Race Merged (9) sa Malvar, Batangas.
Kasabay nito magaganap ang dalawang Winner Take All (WTA) at Pick 5. Habang tig-isa sa Pick 6 at Pick 4 at magaganap din ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1 magsisimula ang 1st WTA magkakalaban ang mga kalahok na North Wind, Lion’s Gate, Takdang Panahon at Crown in my Head.
Sa Race 2, umpisa ng 1st Pick 5, ipinapatok ang Dream Team at pang-forecast ang Jolo Pride at Sydney.
Sa Race 3, simula ng 2nd WTA nakalalamang ang Fortune Island habang Sorsogon Bayang ang makakalaban.
Sa Race 4, kung saan mag-uumpisa ang Pick 6, maglalaban ang Halo Diamond, Yoshiko, couple entry na Power Hook at Suzie Cat at Musical Note.
Sa Race 5, magkakalaban ang couple entry na Adobo Country at Prime Time Magic, Birth Right at I Love Ninetyseven ang simula ng 2nd Pick 5.
Sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang couple entry na Kalmot Pusa at Believe Me, habang makakalaban ang couple entry Fernando’s Baby at Oh Lala at Can You Giub umpisa ng Pick 4.
Sa Race 7, ipinapatok ang Don Damiano puwedeng isama ang Batang Rosario, Lady Khallesi at Masada at couple entry Prince Jolo at Blue Label sa Quartet at Pentafecta.
Sa Race 8, nakalalamang ang National Pride, Goldsmith at couple entry na Shoo In at Garantisado.
Sa Race 9, ipinapatok ang I Am the Boss makakalaban ang Change The World isama sa Trifecta ang The Believer at itama naman sa quartet at pentafecta ang Tubig at Langis, Camorra, isama ang Morning Girl. 1st WTA= 2-4-5/7/6/1-2-3-6/3-6-8/2-7-9/5; 2ndWTA= 6/1-2-3-6/3-6-8/2-7-9/5/1-4-6/1; Pick 6= 1-2-3-6/3-6-8/2-7-9/5/1-4-6/1; 1st.Pick 5= 7/6/1-2-3-6/3-6-8/2-7-9 2nd Pick 5= 3-6-8/2-7-9/5/1-4-6/1; Pick 4= 2-7-9/5/1-4-6/1





Comments