top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Marso 6, 2020 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Mar 6, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2020 (Biyernes): Bilis ang sandata mo para sa anumang layunin mo sa buhay, kaya kahit kailan, hindi ka dapat maging mabagal at makupad.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan, ito ang payo para sa iyo. Ang nag-aalinlangan ay madalas nanghihinayang at nagsisisi. Muli, huwag kang mag-alinlangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-24-38-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, magdagdag ka ng mga bagong kaalaman. Huwag kang tumulad sa iba na ang akala ay sapat na ang alam nila sa larangang kanilang pinasok. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-18-20-26-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ang kapalaran ng isang bagong kakilala. Kung ano ang makabubuti sa kanya, ‘yun ang ipayo mo at tiyak na ikaw ay susundin niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-22-26-31-38.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mag-alala kapag sa pagkabigla mo ay kumilos ka nang wala sa isip mo dahil ang ikikilos mo ay ang pinakatama para sa hinahangad mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-20-29-30-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang sinasang-ayunan ng karamihan ay iyo ring sang-ayunan. Hindi puwedeng lumayo ka sa kanilang mga kagustuhan. Ito ang susi mo nang lumago pa ang iyong negosyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-25-36-40-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipagdamot ang magagandang ideya mo. Sa ganitong paraan, hindi ka rin pagdaramutan ng langit, bagkus, pagkakalooban ka Niya ng mga biyaya at madaragdagan ang iyong kaban-yaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-19-24-26-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maganda, ito ang salitang maglalarawan sa mga pangyayaring mararanasan mo ngayon at sa ilang mga araw pang darating. Magsaya ka at salubungin mo ang magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-13-29-30-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bagong pagkakakitaan ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Maging positibo ka nang sa gayun ay magtuluy-tuloy ang dating ng magagandang bagay sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-24-28-30-36-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang mga plano mo at itugma mo ito sa mga bagong kaganapan. Ito ang susi ng magandang kapalaran na ang tao ay may kakayahang sakyan ang nagbabagong agos ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-20-24-42-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang landas ng buhay na habang mabilis na kumikilos ay mabilis ding nag-iisip. Ito ang landas ng mabilis na pagpapayaman. Ito ang iyong isabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-17-21-29-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong awatin ang sarili mo kahit hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa ikikilos mo. Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan at tiyak na ikaw ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-22-24-32-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Noon pa man, mabilis kang magpalit ng pasya at

muling mangyayari ito sa iyo ngayon. Huwag kang mag-aalala, noon pa rin naman ay mahimalang tumatama ang pasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-21-28-30-38.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page