top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

FIBA 3x3 Olympic Q’fying sa India, kanselado

A. Servinio/VA
Mar 6, 2020
1 min read

Hindi muna matutuloy ngayong Marso 18 sa India ang FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament dahil sa banta ng coronavirus disease.

Tatlong koponan ang bibigyan sana ng kanilang tiket patungong 2020 Tokyo Olympics sa Hulyo kung saan lalaruin ang 3X3 sa unang pagkakataon.

Wala pang napipiling bagong petsa ang FIBA subalit ito ay dapat mauna sa Universal Qualifying Tournament na nakatakda sa Abril sa Hungary. Kahit naurong, tuloy pa rin ang puspusang ensayo ng mga pambato ng Pilipinas na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, CJ Perez at Moala Tautuaa.

Hindi lang ang OQT ang apektado kundi ang ilang mga palaro gaya ng Asia Cup na gaganapin sana sa Changsha, Tsina sa Mayo 13 pero nalipat sa Set. 9. Ang Under-17 Asia Cup sa Malaysia ngayong Hunyo 4 ay gaganapin na sa Oktubre 8.

Hindi pa tiyak kung sa Tsina gagawin pa rin ang Asia Cup sa bago nitong petsa. Noong nakaraang buwan, naghayag ng kahandaan ang Pilipinas 3X3 sa pamumuno ni Boss Ronald Mascarinas na saluhin ang Asia Cup.

Sa kabila ng mga pahayag ng FIBA, tuloy pa rin ang FIBA 3X3 World Tour Manila Masters sa May 2 sa SM Megamall. May parating na rin na isang FIBA 3X3 Challenger.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page