top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

P200 K lang pala ang katapat, Mommy Divine… Bodyguard ni Sarah, pinatahimik na ni Boss Vic ng Viva

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 5, 2020
  • 1 min read

Teka Nga

Photo: Raffy Tulfo in Action

So, nagpaareglo rin pala ang bodyguard ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara na diumano’y sinuntok ni Matteo Guidicelli noong naganap ang kontrobersiyal na secret wedding nila ng Pop Royalty.

Nagpa-blotter at nagbantang magdedemanda raw si Tamara. Nagpa-interview pa ito sa radio program ni Raffy Tulfo. Ang palabang broadcaster ang naging tulay upang magkausap ang Viva big boss na si Vic Del Rosario at si Tamara.

Ang Viva ang nangangalaga sa career ni Sarah kaya sila ang gumagawa ng damage control kapag may issue sa kanilang mga contract stars tulad ng nangyaring gulo sa nasabing secret wedding.

Ayon sa ilang reliable sources, nag-demand ng P1.5 M ang security guard na si Jerry bilang kabayaran sa danyos sa pananakit sa kanya ni Matteo. Hindi na niya itutuloy ang demanda kapag nagkasundo sa kanilang amicable settlement. Nagkatawaran naman at umabot na lang sa halagang P200,000.

Hindi naman kaya pinangakuan ni Boss Vic itong si Jerry na isasama siya sa pelikulang The Bodyguard kaya pumayag na siya sa P200,000?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page