top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Hip Hop dance competition abangan sa 16TH MNCAA

  • A. Servinio
  • Mar 5, 2020
  • 1 min read

Magbubukas ngayong Linggo ang ika-16 na taon ng Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) sa San Beda College-Alabang sa Muntinlupa City.

Hahanapin ng defending champion Centro Escolar University ang kanilang ika-apat na sunod na kampeonato at ika-pito buhat pa noong 2012.

Tatlong iba pang paaralan ang hahamon sa kampeon sa katauhan ng San Beda-Alabang, University of Asia and the Pacific at Philippine Women’s University, ang pumutol ng paghahari ng Scorpions noong 2016.

Hindi muna lalahok ngayong taon ang University of Makati at Enderun Colleges na pumangalawa ng pitong sunod na beses sa CEU at PWU mula 2012 hanggang 2019.

Mabilis ang torneo ngayong taon at lalaro ng single round at lahat ng apat ay papasok sa crossover semifinals. Ang finals ay best of three at gaganapin sa Abril.

Ang 16th MNCAA ay nakatakda sanang magbukas noong Pebrero 15 subalit nagpasya ang liga sa pamumuno ni Executive Director Vivian Manila na ipagpaliban muna ito dahil sa banta ng Coronavirus Disease.

Ang iba pang palaro ng MNCAA ay Volleyball, Futsal, Badminton, Table Tennis at Hip Hop Dancing.

Samantala, tuloy na rin ang balik ng aksiyon sa kasabay na 18th Women’s College Sports Association (WCSA) na nagbukas noong Pebrero 1 sa Assumption College sa

Makati City.

Nakapaglaro na ang liga ng dalawang araw bago pansamantalang itinigil.

Ang mga naglalaro ngayong taon sa WCSA ay ang Assumption, Miriam College, Saint Scholastica’s College, San Beda-Alabang, University of Asia and the Pacific at ang nagbabalik na PWU. Hindi sumali ang defending champion Enderun Lady Titans. ()

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page