Bata pa raw, alam na niya… Ian, tanggap na tibo ang anak
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Ikinatuwa ng mga netizens ang guesting ni Ian Veneracion sa Magandang Buhay kahapon, March 4 kasama ang only daughter niyang si Dids.
Nag-trending sila sa social media dahil marami ang humanga na tanggap na tanggap ni Ian ang pagiging tomboy ni Dids at full support pa siya rito.
Kuwento ni Ian, “Dumating siya, medyo teary-eyed. Sabi niya, ‘Daddy, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos, sabi ko sa kanya, ‘Me also, I like girls.’
“So, parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’
“Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be, and I have full support.’ “Natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’ Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa, ang macho mo na.’
“So, alam ko na dati.”
We all know naman na karamihan sa mga parents, lalo na sa mga daddy, ay hindi agad natatanggap ang anak na member ng third sex, kaya nakakatuwa na isang Ian Veneracion na lalaking-lalaki ay tanggap na barako ang kanyang nag-iisang daughter, ‘di ba? vjv





Comments