Ang plastic! Imbes maging sweet sa guy… Female star, niregaluhan ng kotse at branded bags ng sikat
- Erlinda Rapadas T.
- Mar 5, 2020
- 1 min read

BLIND ITEM: Reyna ng kaplastikan at kasinungalingan ang bansag ngayon ng marami sa isang female star na todo-deny sa tsismis na may relasyon sila ng isang sikat na male celebrity.
Hindi raw niya papatulan ang sikat na male celeb dahil sa malaking agwat ng edad nila, pero marami ang nakakaalam sa kanyang lihim na bukod sa male celebrity ay suma-sideline pa siya sa ibang guys na madadatung.
Ilan naman sa mga dating nakasama sa trabaho ni female star ay anaconda ang tawag sa kanya dahil “inahas” lang naman niya ang sikat na male celebrity.
Best friend ni female star ang talagang karelasyon ng sikat at rich na male celebrity.
Nainggit siya dahil bonggacious kung magregalo ang male celeb sa kanyang BFF kaya gumawa siya ng paraan upang maagaw ito sa kanyang BFF at nagtagumpay naman siya.Naagaw niya ang male celebrity pero hindi naman naging seryoso ang kanilang relasyon.
Hindi nagpapatali sa isang babae ang rich male celeb. Kaya naman, pinagtatawanan ng marami ang female star na deny to death na nagkaroon sila ng “something” ng sikat na male celebrity.
Niregaluhan pa nga siya ng kotse at branded bags nito, ‘no!





Comments