top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga kinakaliwa ng asawa at mga gusto nang magkaanak, dapat masinagan ng super moon sa March 10

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Mar 4, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapa­tuloy sa mga kaala­man tungkol sa ma­gaganap na super full moon sa March 10, 2020.

Pinaniniwalaang ma­pa­­kikinabangan din ng mga babae at lalaki na “complicated” ang love life ang sinag ng super moon. Ibig sabihin, sila ‘yung ma­gulo at masalimuot ang mga pangyayari sa kani­lang buhay-pag-ibig.

Para sa mga nakadara­ma na may ibang mahal ang kanilang karelasyon ay pinapayuhan na mata­maan ng sinag ng buwan o super full moon.

At habang tumatama sa kanilang katawan ang sinag ng moon, hihilingin nila sa langit na sana ay sila na lang at wala nang iba pang mamahalin ang ka­nilang karelasyon.

Ito rin ay inirereko­menda sa pinagtataksilan ng kanilang mga asawa o karelasyon.

Mabisa rin ang gani­tong paraan para sa mga inaayawan na ng kanilang partner o nanlalamig ang kanilang karelasyon sa iba’t ibang dahilan.

Pagkatapos masinagan ng liwanag ng buwan, ini­rerekomenda rin na ma­ging magiliw sa kanilang mga partner kahit ito ay nanlalamig na sa kanila.

Totoong mahirap la­banan ang tamang hinala na ang karelasyon ay may iba nang mahal, kaya lang, dapat kontrolin ang sarili na huwag magpakita ng galit, sama ng loob at pa­ngit na kilos na lalong mag­papalala sa sitwasyon.

Mas magandang tratu­hin ang asawa o karelasyon na parang sila ay bagong magkarelasyon.

Dahil dito, ikonsidera na ipagluto ng paboritong ulam ang karelasyon. Re­galuhan din siya ng mga munting bagay na kahit sa biglang tingin ay ayaw ni­lang tanggapin ang regalo ay okey lang o hindi dapat sumama ang loob ng mag­reregalo.

Makipagkuwentuhan at hangga’t maaari ay may katagalan kung saan ang mga pag-uusapan ay dapat walang kinalaman sa gu­mugulong pagmama­ha­lan.

Pagkatapos nito, mag­hintay at hayaan ang the power of super moon ang gumawa ng paraan para muling manumbalik ang dating matamis na pag­mamahalan.

Ang sinag ng super full moon sa March 10, 2020 ay pakikinabangan din ng mga gusto nang mag­karoon ng anak.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page