top of page

May mansiyon na, may luxury cars pa… Ivana, iniwanan ng kayamanan ng padir worth P250 milyon!

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 4, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas /Teka Nga

Hindi lang pala Insta­gram star/model ang ba­gong Pan­tasya ng Bayan na si Ivana Alawi, may sa­rili rin siyang YouTube chan­nel at super rich ka­hit hin­di na mag-artista.

Sa kanya raw ipinamana ang mga ari-arian ng yumao niyang ama, ang Moroccan citizen na si Samier Al-Ala­wi na nakabase sa Bahrain. Malaki ang mansion sa Bah­rain ng dad ni Ivana na ipi­namana nga sa sexy actress, pati na ang ilang lux­ury cars.

Ang worth ng kabuha­­yan o properties ngayon ni Ivana ay $1 M to $5 M (ka­tumbas ng more or less P250 million)!

Napag-alaman din na­ming younger sister ni Ivana ang Kapuso child actress na si Mona Louise Rey. Apat silang magkakapatid at bunso si Mona.

Nag-audition din dati si Ivana sa reality program na StarStruck pero hindi nakaabot sa Top 10. At sa kan­yang pagbabalik-showbiz, it seems na-reinvent ni Ivana (Mariam Al-Alawi in real life) ang kanyang sarili kaya napansin siya ng mga kalalakihan. Pi­nag­­papan­tasyahan siya ngayon ng mga barako at ki­naiinggitan ng mga kababaihan.

Kung igagawa siya ng solo sexy movie, tiyak na pa­patok nang husto sa box office.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page