Madir ng singer, inilaglag, buking, lagot! Mommy divine, todo-sulsol na idemanda ng bodyguard ni Sar
- Nitz Miralles
- Mar 4, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Lagot kay Mommy Divine Geronimo si Jerry Tamara, ang former bodyguard ng anak na si Sarah Geronimo, dahil inilaglag siya nito sa harap nina Mr. Vic del Rosario at Raffy Tulfo.
Itsinika ni Jerry na sinabihan siya diumano ni Mommy Divine na ‘wag magpaareglo kay Matteo Guidicelli at kailangang dumaan daw sa proseso bago maayos ang lahat.
Parang ang gusto ni Mommy Divine, ituloy ni Jerry ang demanda kay Matteo na inakusahan niyang sinuntok siya sa leeg, bagay na itinanggi ng aktor kay Boss Vic.
Lagot din si Jerry kay Mommy Divine dahil pumayag siyang magpaareglo, at mula sa P1.5 M na hiningi niya sa Viva Communications, P200,000 lang ang ibinigay sa kanya after mag-counter offer si Boss Vic ng P100,000.
Gusto pa ni Jerry na makipagkamay sa kanya si Matteo at mag-public apology at iko-cover ng TV5. Pero sinabi ni Raffy na malabo ang gusto niyang mangyari dahil hindi papayag ang ABS-CBN na lumabas sa ibang network sina Matteo at Sarah.
Ang sabi ni Boss Vic, ayusin na lang ang isyu nina Jerry at Matteo dahil si Sarah ang apektado. Hindi pa nga tapos ang problema ni Sarah sa nanay, pinoproblema pa nila ni Matteo si Jerry.
Case closed na para kay Raffy at sa programa nitong Raffy Tulfo in Action ang kaso nina Matteo at Jerry.
Pansin lang namin, laging naka-face mask si Jerry ‘pag humaharap kay Raffy at pati kay Boss Vic. In fairness, hindi siya nauubusan ng face mask at hindi nahihirapang maghanap.





Comments