Horoscope | Marso 4, 2020 (Miyerkules)

Sa may kaarawan ngayong Marso 4, 2020 (Miyerkules): Yayaman ka sa negosyo kaya magnegosyo ka. Kahit mamasukan ka, hindi ka pa rin makaiiwas na magbenta ng kung anu-ano.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paramihin mo ang kabuhayan mo dahil ngayon ang panahon para rito. Ito ang dapat mong pagkaabalahan ngayon saka mo na lang tutukan ang ibang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-20-21-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magiging makulay ang iyong buhay, lalo na sa mundo ng pakikipagrelasyon. Gayunman, mag-ingat ka dahil may ilang maiinggit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-17-29-31-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdaratingan ang mga suwerte sa buhay mo kaya maging mapagpahalaga at masinop ka. Iwasan mo ang sobrang pagsasaya dahil hindi ito nakabubuti. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-23-31-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Nakagugulat dahil magiging palakuwento ka. Dahil dito, ingatan mong masabi ang iyong mga sikreto. Sasaya ka at sasaya rin ang mga makakasama mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-12-15-20-23-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang gustong dumikit sa iyo. Sa una, sila ay mga kaibigan mo lang, pero sa huli ay mas malalim na relasyon ang layunin. Marami sila kaya maaaring ikaw ay malito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-20-23-25-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lumalayo ang may masamang motibo kapag napansin nila, sila ay nabisto. Kung ano ang nadarama mo, sabihin mo dahil ito ang mabisang sandata mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-33-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo ang iyong sarili at hindi na dapat maulit ang nangyari na ikaw ay nahalata na may pagtingin sa hindi pa nagsasabi sa iyo ng kanyang intensiyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-27-31-32-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hahanapin mo ang lungkot na iyong nadarama, pero hindi mo na ito makikita. Kaya lang naman nakadarama ng lungkot ang tao ay para ipaalala sa kanya na siya ay tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-29-33-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa at puwede pang dumami ang magagandang oportunidad na mapupunta sa iyong harapan. Ang payo ay piliin mo ang mas tugma sa iyong pinakamalaking pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-13-29-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa alam mong maaaring magpahamak sa iyo. Sa ganitong sitwasyon, hindi tama na dahil malakas ang loob at tiwala mo sa sarili ay hindi na susunod sa nasabing payo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-22-27-36-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong salungatin ang ihip ng panahon, sa halip, mas magandang makiayon ka sa mga uso sa ngayon. Sa ganitong paraan, hindi ka mapag-iiwanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-20-21-22-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng magagandang ideya at idagdag mo sa mga ideya mo. Sa ganito, iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-28-38-41.
![endif]--![endif]--




Comments